PANAY na ang ulan mga kumpadre’t kumadre kaya ‘wag na kayong magulat kung baha ang ilang pangunahing kalsada sa kalakhang Maynila.
Isa sa mga sanhi sa pag baha ay ang mga ilang kumag na opisyal ng mga lokal na pamahalaan na pinayagan ang mga ilegal settlers na mag tayo sa gilid ng mga estero o kaya sa ilalim ng tulay para maging botante nila.
Naka-ututang dila ko kanina ang isa nating Seksing Saksi mula sa Pasay sa gilid ng Manila Bay.
Sinumpong ako ng aking asthma dahil sa buga ng mga alikabok mula sa reclamation na sinasagawa ng kumpanya ni Caloy Gonzales.
Malapit ng matapos ang reclamation ng Pasay Harbor, Jean Fernando ng Manila Bulletin pero nakakabingi ang katahimikan ng mga journalists nagcocover sa Pasay at sa Southern Metro Manila, bakit kaya Amor Virata?
Baka si James Catapusan ng Remate ay meron alam.
Maniwala kayo o hindi mga kumpadre’t kumadre pinatos umano ni Tatay Digong na maging consultant sa opisina ni Senator Bong Go.
Bakit kaya kinuha ni Senator Bong Go na consultant si dating pangulong Duterte, di ba Angelo Palmones ng DZRH? Talaga bang naghahanda ng maging susunod na Pangulo si Senator Bong Go o magiging Pang-gulo lamang siya sa 2028 presidential elections, Boying Abasola ng Philippine News Agency? Atty. Zuleika Lopez, nabalitaan na kaya ni Vice President Inday Sara na isa sa mga consultants ni Senator Bong Go si Tatay Digong.
E kung hindi Perseus Echiminada ng Daily Tribune paki shout na lang sa mga kaibigan natin sa Davao.
Teka alam mo ba Franco Luna ng Philippine Star, na si Atty. Salvador Panelo at si Rey Langit ay consultant rin sa Senado pero hindi ni Senator Bong Go, kundi sa opisina naman ni Senator Robin Padilla?
Totoo rin pala yung nabalitaan mo John Eric Mendoza ng Philippine Inquirer na si Senator Jinggoy Estrada naman ay kinuhang consultant si dating Parañaque Councilor Anjo Yllana at si Benedict Aquino na dati rin namang artista.
Teka magkano ba sweldo ng isang consultant ng isang halal na senador ng Pilipinas? Baka alam ni retired Army General Bobby Ancan na tumatayong Sergeant-at-Arms ng Philippine Senate o kaya ni Eireen Palanca ng Philippine Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office. Bulong ng ating Seksing Saksi na ang TF ni ex President Duterte bilang consultant ni Senator Bong Go pati ang mga consultant ni Senator Jinggoy Estrada na sina ex Councilor Anjo Yllana at Benedict Aquino ay P25,000 lamang kada buwang, Butch Fernandez ng Reuters.
Sa tingin ko yung bente singkong TF kada buwan nila Anjo Yllana at Benedict Aquino kay Senator Jinggoy Estrada ay naaayon pero hindi ata sapat ang P25,000 kada buwan kay Tatay Digong mula kay Senator Bong Go di ba Congressman Paolo Duterte ng Davao?
Kayo ang nagsabi Amor Virata, at hindi ako na tila binabarat ni Senator Bong Go ang kanyang dating boss tsip.
Tama kayo Macon Araneta ng Manila Standard at Nimfa Ravelo ng DZBB na uusok ang ilong ni Vice President Inday Sara kung malalaman niya na magkapantay ang “pay grade” ni Tatay Digong at dating councilor Anjo at Benedict Aquino. Di hamak na masmataas ang “pay grade” ni Atty. Sal at ni Rey Sky, Noche Casas ng DZRH.
Totoo ba yan Renato Chua ng Philippine Senate Administrative and Financial Services? Naku sino naman yung bagong consultant ni PCSO General Manager Mel Robles na isa umanong manyakis?
Baka pwede daw mag bigay ng clue bulong sa hangin nina Benjie Alejandro ng DZME at Conrad Banal ng DWIZ. Tulad ni Mel Robles, isa rin magaling mambola ang kanyang consultant na manyakis.
Hinahangaan at bata ito ng isang top executive ng isang radio station na meron rin mga motel at bangko, tama ba Boss Edgar Cabangon?
Ika nga ni NPC Director Bobby Ricohermoso sa kanyang birthday celeberation kamakailan, “birds with the same feather, flock together.”