Photo Credit: Rappler
IBINISTO ni Senador Francis Pangilinan ang alok sa minorya ng isang emisaryo ni Senador Chiz Escudero na naghahangad umano palitan si Senador Alan Peter Cayetano bilang Senate President.
Ayon kay Pangilinan, tinabla ng 11 miyembro ng senate minority ang alok na pinadaan umano ni Escudero sa isang ‘emisaryo.’
“There were discussions, but it was immediately shot down by the minority bloc. There were intermediaries but not Sen. Chiz himself but immediately nga di na pinalaki pa dahil solid yung 11 na di acceptable yung proposition na yun,” wika ni Pangilinan.
Mula pa noong nakalipas na linggo, usap-usapan ang panibagong kudeta sa posisyon ng senate president na kasalukuyang okupado ni Cayetano. Kabilang si Escudero sa mga bumoto para patalsikin si dating Senate President Vicente Sotto III.
Nang tanungin kung ano alok ng emisaryo ni Escudero, tumanggi si Pangilinan magbigay ng detalye.
“Mas mabuti sigurong di muna namin i-divulge kasi there are discussions.”
Una nang nagpahayag ng suporta ang senate minority sa kakayahan ni Senador Sherwin Gatchalian pamunuan ang mataas na kapulungan.
