
HIMALANG pasa at galos lang ang tinamong pinsala ng 20 katao matapos salpukin ng isang pampasaherong van ang trak at sports utility vehicle (SUV) sa bayan ng Polomolok sa lalawigan ng South Cotabato.
Sa ulat ng lokal na pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Upper Klinan sa nabanggit na lokalidad.
Base sa paunang imbestigasyon, lumalabas mabilis na tinatahak ng drayber ng van ang kalsada nang mawalan ng preno hanggang sa salpukin ang kasalubong na trak at SUV nitong Huwebes, Hunyo 12.
Agad naman isinugod sa pagamutan ang mga biktima. Patuloy pa ang imbestigasyon sa naturang insidente.