HINDI umano bababa sa 25 namatay na pasahero at pinangangambahang tataas pa ang biktima matapos mahulog mula sa may 30 talampakan ang sinasakyan bus ng mga ito mula Iloilo patungong Antique, Martes ng hapon.
Ayon kay Governor Rhodora Cadiao, 53 ang bilang ng pasahero ng Ceres bus 6289 galing ng Iloilo City at pauwi na sa lalawigan ng Antique. Sinabi na nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver nito pagdating sa Barangay Igbucagay, Hamtic, Antique.
Patay din ang driver at konduktor ng bus.
Patuloy ang rescue operation ng kapulisan gayundin ang pagdadala sa mga biktima sa iba’t ibang pagamutan.