DEAD on arrival sa pagamutan ang tatlong bata matapos malunod sa Laguna de Bay sa gawing Santa Rosa, Laguna.
Sa ulat ng lokal na pulisya, naglalaro sa ulan ang hindi pinangalanang mga batang edad 3, 7 at 12-anyos sa bandang dalampasigan sa Barangay Sinalhan ng nasabing lokalidad noong Huwebes ng gabi.
Kwento ng lola ng mga biktima, unti-unting napadpad sa malalim na bahagi ng lawa ang mga bata – dahilan para agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay.
Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktimang wala nang malay nang iahon sa tubig. Gayunpaman, binawian ng buhay ang mga paslit bago pa man dumating sa ospital.
