UMABOT na sa 4 katao ang inulat na nasawi habang higit sa 40 ang sugatan nang sumabog ang bomba habang idinadaos ang misa sa Dimaporo Gym sa loob ng Mindanao State University (MSU) campus sa Marawi City, Linggo ng umaga.
Sinabi ni Lanao del Sur police chief Colonel Robert Daculan na bandang alas-7 ng umaga nang yanigin ng pagsabog ang Catholic Holy Mass na dinadaluhan ng halos mga estudyante.
Ayon kay Philippine Army 103rd Infantry Brigade spokesperson Lieutenant Colonel Palawan Miondas na sa inisyal na report ay 4 ang nasawi at 43 katao ang isinugod sa Amai Pakpak Medical Center.
Sinabi ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao police director Brigadier General Allan Nobleza na isa sa anggulo na tinututukan ay ang posibleng paghihigante ng pro-Islamic State militant.
Umaabot sa 11 militante, kabilang ang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Philippines ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng military nitong Sabado sa Maguindanao del Sur.
Mahigpit na kinondena ng Moro leaders ang pambobomba.
“I condemn the violent bombing incident that transpired this morning at the Dimaporo Gymnasium at the Mindanao State University during a Sunday mass congregation,” sabi ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto-Adiong .
“Here in my province, we uphold basic human rights, and that includes the right to religion. Terroristic attacks on educational institutions must also be condemned because these are places that promote the culture of peace and mold our youth to be the future shapers of this country,” ayon pa kay Adiong.