November 5, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Marawi bombing kinondena ni Rep. Hataman

Ni Lily Reyes

KINONDENA ni Deputy Minority Leader Mujiv Hataman ang hindi makataong pagbomba kaninang umaga sa Mindanao State University, Dimaporo Gymnasium sa Marawi na ikinasawi ng 11 katao at ikinasugat ng iba pa habang nagsasagawa ng isang misa ang mga estudyante.

“This is plain and simple terrorism. Wala na tayong ibang salita para ilarawan ang karahasan na ginawa sa mga estudyanteng payapang nagdadaos ng misa kanina, isang malayang pagpapahayag ng kanilang relihiyon” ani ni Hataman.

Sinabi ng mambabatas na “katulad ng madalas nating sabihin, walang lugar ang karahasan sa isang sibilisadong lipunan. At ang mga responsable sa pambobombang ito ay dapat managot sa ilalim ng batas.”

“Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng mga namatay sa insidenteng ito. Hindi dapat nagiging target ng karahasan ang ating mga anak. Hindi battle zone ang ating mga paaralan. Dapat ay panatag ang mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak sa loob ng eskwelahan” pahayag ni Hataman.

Sa huli ay nagpahayag ang mambabatas na “I call on the authorities to investigate this fully, leaving no stone unturned. The perpetrators should be unmasked. Babantayan natin ang developments ng kasong ito para masiguro na magkaroon ng hustisya ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya.”