PATAY ang 69-anyos na lola at lima niyang apo habang sugatan naman ang kanyang anak at isanag kasambahay sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon, madaling araw ng Sabado.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog ala-una ng madaling araw.
Natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa isang kuwarto. Ang mga apo ay nasa edad 21, 18, 16, 10 at 9 anyos.
Posible umanong hindi na nakalabas ang mga biktima dahil may grills ang bintana ng kuwarto, kaya posibleng suffocation ang ikinamatay nila.
Tinitingnan ng mga otoridad na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.