
PITO katao na ang iniulat na ansawi habang dalawa ang sugatan at dalawa ang nawawala nang yanigin ng magnitude 6.8 lindol ang Saranggani at Davao Occidental, Biyernes ng hapon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) ngayong Sabado, tatlo ang naitala sa General Santos; dalawa sa Glan, Sarangani; at tig isa sa Jose Abad Santos, Davao Occidental at Malapatan, Sarangani.
Ang dalawang sugatan ay naitala sa Glan, Sarangani habang ang dalawang nawawala ay iniulat sa General Santos.
Sinabi ng NDRMMC na 450 katao sa Davao Region at Soccsksargen ang nagamot na sa hyperventilation at pag-panic.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na 61 aftershocks na ang naitala mula alas-11:00 ng umaga.