DEAD-on-arrival sa pagamutan ang isang huwes matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Pinamungajan sa lalawigan ng Cebu.
Kinilala ang 41-anyos na biktima sa pangalang Carmela Rosario Pasquin na napag-alamang presiding judge ng Municipal Circuit Trial Court ng Aloguinsan-Pinamungajan.
Batay sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang motorsiklo ang daan patungo sa kabayanan nang masagi ang Honda ADV 150 na minamaneho ni Eric Gelizon Lanzarate. Napag-alamang angkas ni Lanzarate si Pasquin
Tatlo naman ang sakay ng nakabanggang motorsiklo — Mark James Cabiling na nagmamaneho, Ronalyn Anas at Thely Lahaylahay na pawang residente ng Barangay Tajao-tajao.
Kwento ng mga testigo, bigla umanong kumabig ng manibela si Cabiling sa dahilan sa salpukan.
Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang apat na sugatan, kabilang si Cabiling na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries.
