NAGKASA ng malalimang imbestigasyon ang lokal na pulisya matapos tambangan ang apat na kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Sa ulat ng Lanao del Sur Provincial Office, patungo sana sa bayan ng Malabang ang mga bumberong sakay ng ng puting Toyota Hilux nang paulanan ng bala ng dalawang hindi pa natutukoy na armadong lalaking sakay ng motorsiklo sa Barangay Bubongaranao sa bayan ng Calanogas dakong alas-7:30 ng gabi.
Matapos ang putukan, duguan ang 36-anyos na si Fire Officer 1 Abdul Hamid Rangines Dimaren na nakatalaga sa BFP sa Malabang.
Himala naman nakalusot sa balag ng kamatayan ang tatlong kasama sa naturang sasakyan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pagnanais matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.
