ISANG buwan bago pa man ang takdang araw ng kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary election, tinangkang patayin ng mga hindi pa natukoy na salarin si Interim Chief Minister Abdulraof Macacua. Batay sa inisyal na impormasyon na ibinahagi ng Philippine National Police (PNP), binabaybay ni Macacua ang kahabaan ng national highway sa bayan ng Datu Odin Sinsuat dakong alas 5:00 ng hapon nang biglang tambangan ng isang armadong grupo ang convoy ng naturang opisyal. Himala naman wala maski isang nasugatan sa pananambang. Ang dahilan — pawang bullet-proof ang mga sasakyan ni Macacua. Bago ang nasabing insidente, dumalo si Macacua sa proclamation rally ng Bangsamoro Federalist Party sa munisipalidad ng Kabuntalan. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mindanao niyanig ng Magnitude 5.2 lindol