NAGMISTULANG dagat ang malaking bahagi ng Pampanga bunsod ng walang puknat na buhos ng ulan na dulot ng sabayang epekto ng bagyo at habagat. Kabilang sa mga apektado ang komunidad sa mga barangay na binabagtas ng Porac-Gumain River — partikular na bayan ng Lubao kung saan naitala ang pagguho ng dike. Bukod sa pagbaha, kabilang sa ulat na inilabas ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang pagkawasak ng apat na bahay na sinasabing tinangay ng malakas na agos mula sa pag-apaw ng Porac-Gumain River. Batay sa ulat na isinumite kay Pampanga Gov. Lilia Pineda, tinangay ng malakas na agos ng tubig dahil sa nasirang dike ang apat na bahay sa gilid naturang ilog. Wala naman naitalang nasawi o nasaktan sa naturang insidente. “Mag-iimbestiga ako bakit sila nandoon, nakapatong sa may dike,” wika ni Pineda sa isang panayam sa radyo. Nanawagan din ang punong-lalawigan sa mga residente malapit sa ilog na lumikas sa mags ligtas na lugar. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Bulacan baha na naman, mga residente sanay na? Bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City, bumagsak