
ITINAAS na sa Level 1 ang sitwasyon sa Bulusan volcano matapos itong sumabog sa loob ng 24 minuto, Lunes ng madaling araw.
Umabot sa taas na 4,500 metro ang ibinuga ng bulkan kung saan naireport ang ashfall sa mga barangay ng Cogon at Bolos sa munisipalidad ng Irosin at barangay Puting Sapa, Guruyan, Buraburan, at Tulatula Sur sa bayan ng Juban sa lalawigan ng Sorsogon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na nagkaroon muna ng malalakas na tunog mula sa bulkan sa loob ng 15 minuto bago ito sumabog.
Bago ito ay nagkaroon muna ng 53 volcanic earthquake sa nakalipas na 24-oras. Itinaas na sa alert level 1 ang bulkan dahil sa tinatawag na phreatic eruptions.