
HINDI na halos makilala ang abogadong tumatayong legal officer ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos bugbugin ng isang grupong pinamumunuan ng isang politikong tumatakbo sa posisyon ng board member sa lalawigan ng Palawan.
Kwento ng biktimang nakilala sa pangalang Atty. Edgar Allan Ocampo, nagtungo siya sa isang establisyemento sa lungsod ng Puerto Princesa para dumalo sa isang pulong kasama ang isang kapwa abogado.
Walang sabi-sabi aniya siyang sinampal ng suspek na si Christian Miguel Sabando na nasundan pa ng kabi-kabilang suntok ng tatlong kasama ng kandidato sa Underground Bar sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Barangay Manggahan ng nasabing lungsod.
Nakilala rin ang mga kasama ni Sabando sa pangbubugbog kay Ocampo – sina Albert John Eugene Villon, Kim Zaballa at Nicholas Laksman Lintag Low.