
HINDI na naisugod pa sa pagamutan ang isang dating kapitan ng barangay matapos ratratin ng bala ng isang grupo ng armadong kalalakihan habang kumakain ng hapunan sa bayan ng Trento sa lalawigan ng Agusan del Sur.
Kinilala ang biktimang si former barangay chairman Edmar Llanes. Patay rin ang dalawang dating bodyguards na sina Yoyoy Asis at Tani Montes.
Sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, naghahapunan ang mga biktima sa bahay ni Asis sa Purok 2, Barangay Tudela sa nasabing bayan nang biglang pumasok ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan.
Walang sabi-sabing nagpaulan ng balang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga biktima. Dead on the spot sina Llames at Asis habang nagawa pang tumakbo palayo ni Montes na inabutan ng mga salarin sa tapat isang paaralan may 300 metro ang layo sa lugar kung saan pinaslang ang dating kapitan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng lokal na pulisya sa hangaring matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.
