DUMARAMI ang sangkot. Lumalaki ang eskandalo.
Sa isang panayam ng broadcast journalist na Pinky Webb sa programang On Point ng Bilyonaryo News Channel, hayagang tinukoy ni Batangas Rep. Leandro Leviste ang isang dating congressman na umano’y nakinabang sa ghost projects ng pamahalaan sa nasasakupang distrito.
Gayunpaman, nilinaw na ni Leviste na pinagbabatayan lamang umano niya ang pag-amin ni District Engineer Abelardo Calalo na aniya’y naglaglag ng pangalan ni former Batas Rep. Eric Buhain.
Una nang inaresto si Calalo sa tangkang panunuhol para hindi na matuloy ang imbestigasyon ni Leviste sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa first congressional district ng Batangas.
“Actually he (Calalo) said… in almost sweeping terms lahat ng mga projects ay meron siya… siya nga lang daw ang pumipili ng mga contractors,” wika ng bagitong mambabatas.
Limitado lang aniya and DPWH First Engineering District sa pag-aasikaso ng mga papeles ng mga proyekto.
“What he (Calalo) explained to me was the DPWH’s job is to publish the bids and then in the case of that particular congressman may mga contractor na dumadating maybe, buy the bidding documents, they bid and somehow there is a certain contractor that wins. And you can see from the list of projects that a few contractors have cornered the lion’s share of projects in that district,” aniya pa.
Nang tanungin sa aspeto ng “komisyon,” —- “may 10, may 20 percent,” direktang tugon ni Leviste.
