SA halip na makatisod ng kayamanang para makaahon sa kahirapan, pagdadalamhati ang iniwan ng dalawang magsasaka sa kanilang pamilya, matapos matabunan ng gumuhong lupa sa bayan ng Malitbog sa lalawigan ng Bukidnon.
Sa ulat ng lokal na pulisya, tatlong magsasaka mula sa Barangay Patpat ang nasawi habang nagsasagawa umano ng treasure hunting sa matarik na bahagi ng kabundukan.
Kwento ng 49-anyos na survivor, natabunan ng lupa ang mga kasama sa treasure hunting matapos magkaroon ng landslide bunsod ng tuloy-tuloy at mabigat na buhos ng ulan..
Sa isang pahayag ng lokal na pamahalaan, pinayuhan ang mga residente sa naturang lugar na maging alerto sa banta ng landslide. Hindi naman malinaw kung may pahintulot sa pamahalaan ang treasure hunting sa nasabing lalawigan.
