HINDI angkop na pahirapan ang mga senior citizens na higit na nangangailangan ng serbisyo ng pamahalaan, ayon kay former Davao City Congressman Karlo Nograles, kasabay ng panawagan sa lokal na pamahalaan na paigitingin ang programa sa pangangalaga ng tinaguriang “vulnerable sector.”
“A government is only as good as it treats its most vulnerable sectors, because they are the ones who need the most help. Kaya ang mga vulnerable sector gaya ng mga senior citizen, dapat hindi na pinahihirapan lalo na sa pag-avail ng services ng city hall,”pahayag ni Nograles sa isinagawang community outreach sa Davao City kamakailan.
Ayon kay Nograles, na nagsilbing chairman ng Civil Service Commission (CSC), bukod sa target niyang ‘digitalization’ sa operasyon ng Davao City government, isusulong and “door-to-door” at “community hub services” para sa hanay ng nakakatanda sa hangarin ilapit ang iba’t-ibang programa ng lungsod para sa mga senior citizens.
Nanindigan din ang long-time public servant sa kahalagahan magkaroon ng sapat na mga kagamitan ang bawat health centers para sa mas mataas na antas ng health services mga mga lolo’t lola at maging sa iba pang mamamayan ng lungsod.
Hinggil naman sa “government support” tulad ng financial assistance at pagbibigay ng holiday packages, hindi aniya dapat malagay sa peligro ang mga nakatatanda.
“Ang ayuda, kung hindi kayang gawin na door-to-door, dapat sa mismong komunidad na ginagawa. At dapat, makatao ang kondisyon ng mga area kung saan ginagawa ang distribution ng mga ito. Dapat nasa lilim at may mga electric fan, tubig, maayos na palikuran, at naka-standby na medical service,” ani ni Nograles
Dagdag ng dating Davao City lawmaker, dapat mas maging “elderly at PWD-friendly” ang lungsod para hindi mahirapan sina lolo, lola at maging ang mga taong may kapansanan sa pagkilos sa mga pampublikong lugar.
“Davao should be aiming to be a leading city in terms of inclusivity in mobility. We must thoroughly inspect private establishments in our city to ensure that they comply with PWD accessibility laws that require provisions for ramps and elevators, among others,” dugong ni Nograles
“As for public spaces under the purview of the local government, we will move aggressively so that our walkways, public transportation, public buildings and the like are accessible to seniors and PWDs. Kung gusto nila lolo at lola gumala, dapat hindi maging hadlang ang public transportation o ang ating mga sidewalk,” pagtatapos ng kandidato sa pagka-alkalde ng Davao City.
