MALAMIG na rehas ang kinahantungan ng dalawang sundalo matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng armas sa North Cotabato.
Sa ulat ng Cotabato Provincial Police Office, timbog sa entrapment operation sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Lika si Pfc. Jay Clinton Delgado Paguntalan ng 39th Infantry Battalion ng Army at isang Sarif Dasil Mungkas, isang AWOL na miyembro ng Philippine Army.
Narekober sa pag-iingat ng dalawang sundalo ang tatlong M16 rifles at P200,000 na buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kaso ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Commission on Elections (Comelec) gun ban. (EDWIN MORENO)
