Ni ESTONG REYES
PARA kay Senador Nancy Binay, hindi angkop ang paghirang sa pwesto ang isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ayon kay Senador Nancy Binay.
Paglalarawan ni Binay, labis na nagpabaya sa trabaho si DENR Assistant Secretary Gilbert Gonzales noong siya pa ang director ng kagawaran sa Region 8.
Sa pagtatanong ni Binay, lumalabas na hindi dumadalo ang noo’y DENR regional Director sa pulong ng Protected Area Management Board (PAMB) na dahilan kung bakit naglipana ang mga private resorts – kabilang ang Captain’s Peak – sa Chocolate Hills na deklaradong protected area.
Hinikayat din ni Binay na tumatayong chairperson ng Senate committee on tourism ang PAMB na gumamit ng audio-visual recordings para sa wastong documentation – bukod sa minutes of the meeting na karaniwang ginagawa sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
“Baka mas maigi na may actual recording. Maybe you could start requiring na hindi lang minutes but actual recording of PAMB hearings. Kasi kung minutes lang yun, hindi clear kung ano ba yung naging exchange, ano yung explanation,” ani Binay.
Nanindigan din ang senador na kailangan managot ang DENR na una nang iginiit ang kawalan ng alam sa detalye ng pulong – dahil absent si Gonzales na kalaunan ay napag-alamang pumirma sa clearance na iginawad ng PAMB sa Captain’s Peak Resort.
“Nakakagulat lang na malaman na nagka-conduct pala ng hearing ang PAMB – which is chaired by the DENR director – nang walang audio/video recording na magba-validate sa official minutes of the meeting,” aniya pa.
Base sa imbestigasyon ng Senado, PAMB ang nagbigay ng clearance sa Captain’s Peak Garden and Resort noong panahon ni Gonzales, na ngayon ay assistant secretary na ng ahensya.
Hindi rin kinagat ni Binay ang palusot ni Gonzales na may ibang pulong na dinaluhan kaya hindi nakapunta sa PAMB meeting.
