
PATAY ang isang Grade 11 student nang barilin ito sa loob ng paaralan sa Cotabato.
Ayon sa report, nag-aayos ang biktima at mga kaklase ng stage nang lapitan ng suspect at barilin sa harap ng mga nagulat na kaklase.
May person of interest na rin umano ang kapulisan sa krimen.
Inaalam din ng pulisya kung may kinalaman ang 21-anyos na estudyante sa pagiging aktibong miyembro ng CAFGU auxiliary.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.
Kinondena ng Schools Division ng Cotabato ang krimen habang nanawagan ang Department of Education sa Cotabato sa pagdakip sa suspect at makuha ang hustisya sa pagkamatay ng estudyante.