IKINASA ng Department of Labor and Employment ang P45 dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa Calabarzon region. Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ng DOLE ang Wage Order 23 na pinagtibay ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ayon sa DOLE, magkakabisa ang wage order sa Oktubre 26, kasabay ng giit na makakatulong sa mga manggagawa ang inaprubahang umento lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa nasabing rehiyon. Sa pagtataya ng ahensya, mahigit 1.5 milyong minimum wage earners ang makikinabang sa naturang dagdag-sahod. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 2 bata todas, lola nawawala sa Cebu landslide