AGAD na napasugod si House Speaker Faustino Dy III sa Cauayan South Central School matapos mabalitaan ang sinapit ng dalawang mag-aaral kaugnay sa idinaraos na fun run doon.

Nang makumpirma ang pagkasawi ng nasabing mga estudyante, nagpaabot ng pakikiramay ang House Speaker sa pamilya ng dalawang biktima.

Para kay Speaker Dy, lubhang masakit tanggapin ang nangyaring malagim na trahedya sa kapwa Isabeleño — “Walang magulang ang dapat makaranas ng mawalan ng anak sa ganitong paraan,” pahayag ng lider ng Kamara.. 

“Nakikiisa ako sa matinding pagdadalamhati ng mga pamilya, at dalangin ko ang mabilis na paggaling ng iba pang mga batang naapektuhan,” mensahe ni Dy sa pamilyang naulila.

“Sa mga pamilya ng mga biktima, sa kanilang mga kaklase, guro, at buong komunidad ng paaralan: hindi kayo nag-iisa. Makakaasa kayo sa aming malasakit at suporta sa gitna ng pagsubok na ito.” 

Ayon kay Speaker, nang malaman niya ang nangyari ay mabilis siyang tumungo sa paaralan upang personal na alamin ang sitwasyon at makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *