HINDI kayang tumbasan ng medalya ang kagitingan ng isang pulis na namatay sa pagganap sa sinumpaang tungkulin, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre lll.
Sa kanyang pagdalaw sa burol ni Patrolman Ferry Seda Jaso, lubos na nanghinayang ni Torre sa pagpanaw ang isang “pambihirang alagad na batas.”
Agosto 7 nang mahagip ng bala sa ulo si Jaso habang nagsasagawa ng surveillance operation sa isang grupong pinaniniwalaang sangkot sa gun smuggling sa Dinagat Island.
Bukod sa pakikiramay sa mga naulila, isinawad ni Torre sa napaslang na patrolman ang posthumous award at medalya ng kadakilaan bilang pagkilala sa kabayanihan ni Jaso.
Nag-abot din ang hepe ng pambansang pulisya ng tulong pinansyal sa pamilya ng pulis.
Kasama rin sa kinilala sa kabayanihan ang isang Patrolman Leonel Estroso, na kasama ni Jaso sa naturang operasyon. (EDWIN MORENO)
