HINDI pa man ganap na nakakabangon ang milyon-milyong apektado ng kalamidad na dulot ng sunod-sunod na bagyo, nagbabadya naman ngayon ang pagputok ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Sa kalatas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tumaas ang real-time seismic energy measurement o RSAM sa bulkan ngayong Linggo, Agosto 10, kung saan kabuuang 19 volcanic earthquakes ang naitala simula Agosto 9.
“These sharp increases in RSAM and vigorous steaming from the main crater may lead to a phreatic or even a minor phreatomagnatic eruption,” anang ahensya.
“DOST-PhiVolcs strongly recommends that entry into [Taal Volcano Island], Taal’s Permanent Danger Zone or PDZ, especially the vicinities of the Main Crater and the Daang Kastila fissure must remain strictly prohibited,” dagdag ng ahensiya.
Gayunpaman, nilinaw ng PhiVolcs na nananatiling nasa Alert Level 1 ang bulkan. (LILY REYES)
