PATAY na nang matagpuan sa ilalim ng gumuhong lupa ang dalawang batang edad lima at anim na taong gulang sa nangyaring lanside sa Barangay Pulangbato sa Cebu City.

Himalang nakaligtas naman ang 36-anyos na babae, ayon sa ulat ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CCDRRMC), habang patuloy ang search and rescue operation sa ikaapat na biktima — isang senior citizen.

Batay sa paunang impormasyon mula sa CCDRRMC, nangyari ang insidente sa Sitio Kandarong Riverside kung saan natabunan ang bahay ng apat na miyembro ng pamilya sa gitna ng patuloy na pag-ulan.

Samantala, inatasan ni Mayor Nestor Archival ang engineering department of lokal na pamahalaan para suriin ang kondisyon ng dalisdis na gagamiting batayan sa pagpapatupad ng forced evacuation sa nasabing lugar.

Bago pa man ang pagguho ng lupa, ilang residente umano ang nakaramdaman ng paulit-ulit na paggalaw ng lupa. Ang Pulangbato ay isang bulubunduking barangay sa Cebu City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *