MUNTIK nang hindi makarating sa mga apektadong pamilya ng dalawang magkasunod na bagyo ang ayuda ng gobyerno matapos sumadsad ang isang eroplanong may lulan na relief goods.
Gayunpaman, nilinaw ng Philippine Air Force na walang namatay o nasaktan sa insidenteng naganap sa Basco Airport nitong nakaraang Biyernes.
Batay sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng hukbong panghimpapawid, ligtas na naidiskarga ng Philippine Air Force personnel ang mga relief goods na sakay ng C295 aircraft na sumadsad.
“The PAF assures the public that despite this incident, our commitment and selfless duty to conduct rescue and relief operations in Batanes and all other typhoon-affected areas will continue by all other means,” ayon sa Air Force.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng pagpalya ng piloto sa paglapag ng eroplano.
