PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang panghuhuli ng galunggong sa karagatang sakop ng Northern Palawan upang bigyang-daan ang taunang closed fishing season.
Ayon sa BFAR, tatagal ang closed fishing session hanggang Enero 31 ng susunod na taon.
Sa pahayag na inilabas ng BFAR kamakailan, binigyang halaga ang pagtalima ng mga mangingisdang Pinoy sa pansamantalang restriksyon sa panghuhuli ng galunggong na anila’y nagpaparami ng populasyon mula buwan ng Nobyembre hanggang sa pagtatapos ng Enero.
“Already in its ninth year of implementation, the closed fishing season for galunggong has continually yielded positive results based on scientific data gathered in collaboration with the National Stock Assessment Program (NSAP) of the National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI),” ayon sa BFAR.
Karaniwang tumataas ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan sa tuwing may umiiral na restriksyon kaugnay ng closed fishing season.
