Ni ESTONG REYES
MATAPOS ang marahas na demolisyon sa mga tahanan ng nasa 2,000 residente, target ng oposisyon sa Senado maglunsad ng isang malalimang demolisyon lalo pa’t pawang benepisaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Law ang di umano’y pilit pinapalayas ng isang pribadong korporasyon.
Sa inihaing Senate Resolution 979 ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, partikular na tinukoy ang Clarkhills Properties Corporation na di aniya’y gumamit ng mga armadong grupo para isakatuparan ang pagpapalayas sa mga mamamayan ng Sitio Balubad sa Barangay Anunas ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Hontiveros, taliwas ang naturang insidente sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paspasann ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka bilang bahagi ng programang sapat at abot-kayang pagkain para sa mga Pilipino.
“This violence against our farmers is a clear betrayal of the promise of agrarian reform. Kailangang protektahan ang karapatan ng mga benepisyaryo ng agrarian reform at alamin kung bakit patuloy na nangyayari ang ganitong mga karahasan,” wika ni Hontiveros.
“The cancelation of the residents’ CLOAS and subsequent attempts to evict them from their homes appear to be contrary to the primary objective of the country’s agrarian reform program, which is to uphold the welfare of the landless farmers and farmworkers, promote social justice, and establish owner cultivatorship of economic-size farms as the basis of Philippine agriculture,” aniya pa.
Hindi rin umano angkop na balewalain ng Clarkhills Properties Corporation ang atas na status quo ng husgadong patuloy na dumidinig sa kaso.
Marso 12, 2024 nang puwersahang pinaalis ng Clarkhills Properties Corporation ang mahigit 2,000 residente mula sa pinagtatalunang lupa sa Sitio Balubad.
Walong residente kabilang ang mga may-edad na kababaihan – at maging ang mga mamamahayag ang sinasabing nasaktan sa pinakahuling tangkang demolisyon.
Ayon sa mga saksi, pinaputukan ng baril ng mga arkiladong gwardya ang mga residenteng napilitan gumanti gamit ang bato.
Giit naman ng Clarkhills Properties Corporation, kinansela na ng Department of Agrarian Reform ang CLOA
Sa kabila ng kanselasyon, patuloy pa rin naman di umano pinagbabayad ng buwwanang amotisasyon ang mga benepisaryo.
“Ginawaran ng lupa ang mga pamilyang ito, pero brutal namang kinukuha sa kanila. This reveals a system that is broken and demands urgent reform. Dapat nating matukoy ang mga puwang sa batas at polisiya upang maiwasan ang mga ganitong kawalan ng hustisya,” dugtong ni Hontiveros.
