
DETERMINADO ang pamilya ng Grade 5 pupil na ituloy ang pagsampa ng kasong kriminal laban sa guro na nanampal sa kanilang anak na ikinamatay ng bata sa Antipolo City.
Gayunman, sinabi ng mga imbestigador na hinihintay pa nila ang resulta ng awtopsiya upang malaman ang totoong sanhi ng pagkamatay ng bata.
Nabatid na nagreklamo ang biktima, 14, sa kanyang nanay kung paano siyang sinampal ng kanyang guro sa Peñafrancia Spring Valley Elementary School sa Barangay Cupang noong umaga ng Setyembre 20.
Hinila umano ng guro ang collar ng uniform ng biktima at sinampal sa tenga. Ilang araw pa nang sabihin ng bata na hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.
Na-comatose pa ang biktima hanggang tuluyang bawian ng buhay sa ospital.