PUMALO na sa apat na katao — kabilang ang isang dayuhang turista — ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng isang siyam na palapag na gusali sa Angeles City, lalawigan ng Pampanga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), isa pang labi ang narekober ng mga search and rescue teams sa gumuhong gusali noong Lunes ng umaga sa Barangay Balibago, sa nabanggit na lungsod.
Hanggang alas-10 ng umaga, sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na 17 katao pa ang pinaghahanap, karamihan ay mga construction worker, habang 26 naman ang nasagip.
Nauna nang narekober ang dalawang manggagawa mula sa ilalim ng guho, gayundin ang isang Malaysian national na may kapansanan. Natagpuan ang labi ng banyaga sa tinutuluyang apartelle sa tabi ng gumuhong gusali.
