HIMAS rehas ang isang pulis at dalawang sundalo sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine National Police sa lungsod ng Cotabato sa Mindanao. Ang kaso – gunrunning.
Sa ulat ng lokal na pulisya, swak sa patibong ng PNP ang pulis na nagtangkang magbenta ng dalawang M16 armalite sa halagang P160,000 sa kabarong nagpanggap na buyer.
Bagamat nasa kustodiya na ng lokal na pulisya ang suspek, ikinasa ang mas malalim na imbestigasyon sa hangaring matunton ang malalaking grupong binentahan di umano ng nasabing pulis.
Samantala, dakip din ang dalawang miyembro ng Philippine Army sa buy-bust operation sa Cotabato kung saan lantaran di umano ang bentahan ng mga loose firearms.
Pawang nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal at administratibo ang mga suspek.
