HINDI pa man natutugunan ang pagkalat ng African Swine Fever sa mga island provinces sa Visayas region, walong bayan sa Batangas naman ang iniulat na apektado na rin ng naturang karamdaman sa mga patabaing baboy.
Pag-amin ng Department of Agriculture (DA), lubhang mabilis ang pagkalat ng ASF sa naturang lalawigan kung saan nasa 40 barangay di umano ang natukoy na apektado ng nasabing sakit.
Kabilang sa mga lokalidad kung saan laganap na ang ASF ang mga lokalidad ng Lobo, Calatagan, Lian, Talisay, Rosario, Lipa City at San Juan at Tuy.
Sa datos ng kagawaran, nasa 1,523 baboy na ang napasailalim sa culling sa Batangas na nag susupply ng 10 porsyento ng karne ng baboy na binebenta sa buong bansa.
