BISTADO sa Bureau of Corrections (BuCor) ang kumikitang kabuhayan ng mag-asawang “bakasyonista” sa loob ng San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa lungsod ng Zamboanga.
Sa isang kalatas, ipinag-utos ni BuCor General Gregorio Catapang Jr. ang mas malalim na imbestigasyon sa bentahan ng iligal na droga sa loob ng naturang piitan matapos madakip ang tatlong indibidwal kabilang ang anak ng isang dating BuCor personnel.
Inatasan din ni Catapang si SRPPF Senior Supt. Daisy Sevilla Castillote na suyurin at puksain ang mga iligal na aktibidad sa bawat sulok ng pasilidad.
Ayon kay Catapang, si Castillote mismo ang nakatanggap ng intelligence report hinggil sa pagtitinda ng iligal na droga ng mag-asawang okupante ng family shelter.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia.
