TALIWAS sa paandar ng Philippine National Police (PNP), hindi naging mapayapa ang nakalipas na 2025 midterm election, ayon sa grupong Climate Conflict Action (CCA).
Sa isang kalatas, ibinigay na halimbawa ni Liezl Bugtay na tumatayong tagapamahala ng CAA ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan pumalo sa 719 ang kabuuang bilang ng mga karahasang may kinalaman sa halalan.
Sa naturang bilang aniya, 242 ang binawian ng buhay mula Oktubre 1 ng nakalipas na taon (unang araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy) hanggang Mayo 13, 2025.
“Most of these incidents are gun-related, so we’re looking into how the implementation of the gun ban was enforced in the Bangsamoro,” wika ni Bugtay.
“We can see that, for these elections, there is a surge.”
