ARESTADO ng kapulisan ang isang Sangguniang Kabataan (SK) kagawad matapos ang buy-bust operation sa droga nitong Miyerkoles sa Tabogon, Cebu.
Kinilala ang nadakip na suspect na si Christian Jay Pelayo Linabog, alyas Loklok, 21, SK councilor sa Canao-canao, at tinagurian itong high value individual (HVI).
Batay sa report ng Municipal Drugs Enforcement Unit intelligence Police, bandang 12:00 AM nang madakip ang suspect sa Brgy. Canao-canao, ng nasabing lungsod.
Nasamsam sa suspect ang ₱500 marked money kapalit na maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na gawain ng suspect at isinailalim ito sa surveillance hanggang sa nag positibo at nag resulta ng pagkakadakip.