DALAWANG araw pagkatapos yanigin ng magnitude 5.8 lindol ang Southern Leyte, nakapagtala ng 31 sugatan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa datos ng NDRRMC, tumaas din ang bilang ng mga bahay na winasak ng lindol – mula sa 191 na unang ulat ni Southern Leyte Gov. Damian Mercado, pumalo na sa 342 tahanan ang nagtamo ng matinding pinsala.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng mga insidete ng pagguho ng lupa at pagkawasak ng iba’t ibang imprastraktura sa Barangay Tubugan, sa bayan ng San Francisco.
Gayunpaman, nilinaw ng NDRRMC na patuloy pa rin ang pagbeberika sa bilang ng mga nasugatan. Walang datos ang ahensya sa pagkawala o pagkamatay sa dulot ng lindol.
Umabot na sa 160 aftershocks ang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs).
