
Sa gitna ng mga alegasyon hinggil sa pagtatago ng bigas para kontrolin ang presyo sa merkado, personal na binisita ni House Speaker Martin Romualdez ang mga lalawigan ng Bulacan kung saan nabisto ang bodega kung saan iniimbak ang sandamakmak na supply.
Sa paanyaya ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, kabilang sa mga nabulaga sa pagsulpot ni Romualdez kasama ang iba pang kongresista ang FS Rice Mill, San Pedro Warehouse, at Great Harvest Rice Meal Warehouse na nasa mga bayan ng Bocaue at Balagtas, Bulacan.
“Yung karamihan ng [rice] supply dito abot na ng three months eh, technically that’s hoarding,” ani Speaker Romualdez, na tumatayong lider ng 311-miyembro ng Kamara de Representantes.
“Kasi pag ini-embudo mo, pag hino-hoard mo tumataas. Greed yan eh di ba, gusto mo kumita,” wika ng House Speaker,.
Sa bisa ng Letter of Authority na nilagdaan ni Rubio, sabayang sinalakay ng operatiba ng Bureau of Customs (BOC) at mga mambabatas mula sa Kamara ang mga bodega sa nasabing lalawigan.
“Kaya nga nagpapasalamat tayo kay Commissioner Bien at saka ‘yung team niya galing sa Customs. Nandito naman tayo kung baga nagpa-fact finding tayo at ocular inspections just to make sure na lahat ng pumasok na imported tama ang binayaran nilang buwis.”
“Yung assessment talaga natin, sapat na suplay lalo na ‘yung galing sa ibayong-dagat pero mataas na rin ‘yung presyo. Pero nakita din natin sapat na suplay pero medyo matagal na naho-hold. Dapat kung ano yung pinasok, ilabas kagad, ibaba kaagad at reasonable price dahil masyadong mataas ngayon ang presyo,” dagdag pa ni Romualdez.
Kumbinsido rin si Romualdez na maging ang mga local supply, iniipit para lumikha ng tinatawag na artificial shortage na aniya’y ginagamit na dahilan para idikta ang presyo sa mga pamilihan.
“Maski ‘yung mga locally produced, hinohold back, mina-match nila ‘yung pricing sa international pricing adjustment. Kaya ‘yung gusto natin, ‘yung naging payo natin ilabas na nila, ibaba na kasi nakakaawa na ‘yung taumbayan.”
Nanawagan rin ang lider ng Kamara sa mga negosyante na suportahan ang programang Kadiwa ng administrasyong Marcos.
“At sa halip na itong magkaroon ng wet harvest, ilabas na at meron naman tayong mga outlet gaya ng Kadiwa kung saan pwede nating ibaba,” dagdag pa ni Romualdez.
“We call on our rice czar, Usec. [Leocadio] Sebastian ng DA (Department of Agriculture). Yun po ang hangarin po ng ating mahal na presidente, President Ferdinand Marcos na ibaba natin yung presyo. Let us follow his policy so we are calling on Usec. Sebastian, siya ang in-charge sa rice.”
Kabilang sa mga kongresistang kasama sa tinaguriang ‘mission – inspection’ ng Kamara sina Reps. Erwin Tulfo, Edvic Yap at Wilfrido Mark Enverga, chair ng House Committee on Agriculture and Food.
Samantala,inatasan ng BOC ang mga may-ari ng bodega na magsumite ng mga dokumentong patunay na legal ang proseso sa pag-angkat ng bigas.
“Rice hoarding is economic sabotage in its highest degree. It not only destabilizes prices in the market through arbitrary manipulation, but it also adversely affects the ability of Filipino families to cope with day-to-day living. And for that, hoarders should be applied the full force of the law,” saad naman ni Enverga.
“And this is in support of President Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr.’s efforts in alleviating the plight of Filipino families now reeling from the high cost of rice. We want our citizens to know that their government is doing something to bring down the price of rice,” wika naman ni Tulfo.
Pangamba ni Romualdez, hindi malayong pumalo sa P60 hanggang P65 kada kilo ang presyo ng bigas sa merkado kung patuloy na pagsasawalang-bahala ng mga kinauukulan ahensya ng gobyerno ang pagsasamantala ng mga negosyante sa sambayanang Pilipino.
“We need to know if there is truly some basis to accusations that hoarders are responsible for the spike of rice prices in the market. Inspections such as these send a powerful signal to all the hoarders and manipulators out there to stop burdening the Filipino people for profit,” sabi ni Speaker Romualdez, ang kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
“Aside from our oversight functions under the law, we are also doing this in aid of legislation, as we have pending measures in the House of Representatives that seek to penalize the act of hoarding rice and other basic agricultural necessities,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Una nang naghain ng magkakahiwalay na panukalang batas sina Reps. LRay Villafuerte, Brian Yamsuan at Wilbert Lee sa hangaring amyendahan at palakasin ang anti-agricultural smuggling law, kasabay ng pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga hoarders, price manipulators, at mga kasapakat na opisyal ng gobyerno.