
TATLONG linggo matapos ang pagpaslang ng mga armadong kalalakihan kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, tinukoy na ng Department of Justice (DOJ) ang di umano’y utak sa nasabing krimen — ang suspendidong Congressman na si Arnulfo Teves Jr.
Sa isang panayam, inamin ni Justice Secretary Boying Remulla na may dalawa hanggang tatlo pang iba ang kasama ni Teves na nagplanong likidahin ang punong lalawigan.
Nang tanungin sa kinaroroonan ng mga tinawag niyang mastermind, tugon ni Remulla — “They can be contacted I think, they’re always on social media. Meron nga yung isa nag-text sa akin diba? I told you last week, Congressman Teves texted me.”
“They’re [Teves] being considered as masterminds but I don’t know yet I have to get it from the panel of prosecutors. But right now, the way it’s progressing, that’s the direction we’re heading to,” bulalas pa ng Kalihim.
Kamakailan lang, isa sa 10 arestadong suspek ang nanguso sa tinawag niyang “Congressman Teves” na aniya’y nag-utos sa kanila para itumba ang gobernador na kalaban sa politika.
“Three, maybe four? We don’t know yet we have to get our facts together, pero at least two, maybe three,” dagdag ni Remulla.
Bago pa aniya pinatay si Degamo noong Marso 4, dalawang ulit na rin di umano pinagtangkaan ang buhay ng gobernador.