
BAGO pa man ganap na matapos ang pagdiriwang ng International Women’s Month, binigyang pagkilala ang mga natatanging kababaihang Pinoy na pinarangalan kamakailan ng Soroptimist International of the Americas Philippines Region (SIAPR).
Sa isang seremonyang ginanap sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, hinikayat rin ni Sen. Cynthia Villar ang mga itinanghal na ‘Remarkable Soroptimist Women in Service’ na samantalahin ang pagkakataon para isulong ang karapatan at kapakanan ng mga tinawag niyang Eba ng makabagong panahon.
“May you always thrive in your worthy goals and programs; and may you always be inspired to serve, do more and work towards the best that has yet to come,” ayon kay Villar, kasabay ng hamon sa mga kasapi ng Soroptimist Philippines na pasukin ang urban farming.
Sa pagsulpot ng pandemya noong taong 2020, umarangkada ang programang urban farming ng senador – ang pagtatanim ng gulay sa likod bahay at pagtatayo ng vegetable at community gardens sa buong kapuluan.
“I have been giving vegetable seeds of good quality to households, communities, schools, organizations and local government units nationwide to strengthen the culture of establishing their own respective vegetable gardens,” pahayag ni Villar.
“It’s not bad to revive planting vegetables in your backyard or community although we are in Metro Manila and other urban areas,” aniya pa.
Para sa chairman ng Senate Committee Agriculture, malaking bentahe ang urban farming kung saan aniya libre at garantisadong walang nakalalasong kemikal ang inaning gulay mula sa sariling bakuran.
“We can also help in the country’s food security and sustainability.”
“Furthermore, I believe that urban gardening suits women well. It goes well with the women’s natural duty of being mothers, and nurturers of our respective families and communities,” dagdag pa ng senador.
Bukas din aniya ang apat na farm schools – Las Piñas, San Jose del Monte (Bulacan), Iloilo at Davao City – sa ilalim ng pangangasiwa ng Villar SIPAG para sa mga nais palawakin ang kaalaman at kasanayan sa agrikultura.