DEAD on the spot ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos magkarambola ang isang kotse at tricycle sa bayan ng San Jacinto sa lalawigan ng Pangasinan. Sa ulat ng lokal na pulisya, nangyari ang salpukan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Guibel sa nabanggit na bayan. Gamit ang footage na kuha ng CCTV camera, patungo sa isang linya ang kotse at tricycle na mula sa magkaibang direksyon. Batay sa video footage, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng tricycle na tumawid pa sa kabilang linya ng kalsada kung saan nahagip ang isa pang tricycle bago tuluyang bumaliktad. Matapos ang insidente, duguan at wala ng buhay ang tricycle driver na sinikap iwasan ang kotse. Nasa kutodya na ng pulisya ang driver ng kotse habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Kalibre .45 buking, bitbit ng Grade 10 student sa paaralan