MINSAN pang pinatunayan ng mga miyembro ng Congressional Spouses Foundation Incorporated na hindi limitado ang kanilang papel sa pagiging asawa ng mga kongresista.
Ito ang buod ng mensahe ni House Speaker Martin Romualdez kasabay ng papuri sa CSFI sa ipinamalas na malasakit sa kapwa sa panahong higit na kailangan ang kalinga.
Partikular na tinukoy ni Romualdez ang pagsusulong ng CSFI ng “Philippines’ Finest 2024,” na isang art and fashion exhibit; na kapwa naglalayong itampok ang kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng sining at makalikom ng pondo para makatulong sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at naging biktima ng bagyong Kristine.
Sa mensaheng kasabay ng opening ceremony ng nasabing art and fashion exhibit na nasa North Wing Lobby ng Batasan Complex, pinasalamatan din ni Romualdez ang CSFI sa masidhing dedikasyon makatulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga makabuluhang proyekto.
“This particular initiative is particularly special, promising better health care in the very near future for the brave men and women of the Armed Forces of the Philippines,” pahayag ng lider ng Kamara.
Hinimok rin niya ang lahat na suportahan ang marangal na gawain ng CSFI dahil ang makapag-ambag sila para sa ikabubuti ng mga sundalo at nasalanta ng nabanggit na bagyo.
“It is one way to express our gratitude for the sacrifices our soldiers make, to ensure that we can sleep soundly at night, knowing we have protectors who keep watch over us,” diin pa ng Leyte solon.
“To the artists and fashion designers participating in this exhibit, thank you for your generosity, for sharing your talent and creativity. Art should embody our collective dreams and aspirations, moving everyone to take action,” dugtong ng House Speaker.
CSFI ay kasalukuyang pinamumunuan ni Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez, na may bahay ni Speaker Romualdez.
Ang CSFI exhibit ay isinasagawa sa pamamagitan din ng Sentro Artista, na kinakatawan ng co-founder na si former TV news personality Jay Ruiz kung saan tampok ang iba’t-ibang artworks, fashion at home accessories mula sa talented local artisans at designers.
Garantiya ni Rep. Yedda Romualdez, ang pondong malilikom ay ibabahagi sa pagtatayo ng Casualty and Cancer Care Center ng AFP Medical Center sa Quezon City at pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ni typhoon Kristine.