SA bisa ng educational seminars at parenting workshops, target ng FPJ Panday Bayanihan partylist group itaas ang kamalayan ng cerebral palsy sa loob at labas ng komunidad.
Sa isang pagtitipong inorganisa ng Cerebral Palsy Epilepsy Family Awareness Support Group PH (CEFASGPH), iginiit ni Brian Poe Lamanzares na tumatayong first nominee ng FPJ Panday Bayanihan partylist, ang kahalagahan tugunan ang abang sitwasyong ng mga batang sadlak sa kakaibang karamdaman — gayundin ang mga magulang na nagkukumahog paghahanap ng pera para ipagamot ang anak na may celebral palsy.
Ang CEFASGPH ay isang social and support communityna itinatag nina Marvin at Jessa Marmol, mga magulang ng walong taong gulang na si Theo, na na-diagnose na may cerebral palsy at epilepsy.
“Sa araw-araw na ginawa ng Panginoon, batid natin kung anong klaseng sakripisyo ang ginagawa ng mga magulang ng mga batang epileptic… kelangan kumayod ng higit pa sa pang-araw araw na gastusin para makalikom ng pampagamot sa kanilang mga anak,” wika ni Llamanzares.
Para aniya bahagyang maibsan ang hirap sa pangangalap ng salaping tugon sa pambihirang karamdaman, higit na angkop palawigin ng pamahalaan ang tulong pinansyal sa anyo ng buwanang allowance.
Bukod sa buwanang allowance, angkop din aniya ang kolektibong pagkilos para mangalap ng impormasyong gagamitin sa pagbalangkas ng mga angkop na government interventions kabilang ang pagdaragdag ng mga guidance counselor at mga katulong sa pagtuturo ng special edication (SpEd).
Sa Bacolod City kung saan nakabase ang CEFASGPH, may libreng Seminar, Assessment, at Home Therapy para sa mga batang may cerebral palsy.
Para sa mga interesado, mangyaring makipag-ugnay sa cefasg.ph@yahoo.com o tumawag sa (087) 505 1642.
Ang physical therapy, occupational therapy, speech at language therapy, kasama ang adaptive equipment, ay mga tampok na paraan ng paggamot para sa mga batang may Cerebral Palsy.
Batay naman sa datos mula sa non-government organization na Philippine Cerebral Palsy Inc. (PCPI), mahigit 300,000 Pilipino ang may cerebral palsy sa buong bansa. Karamihan sa mga ito ay walang access sa mga medikal na pasilidad para sa paggamot at pagpapagaan ng kondisyong ito, sinabi ng PCPI.
