HINDI man nagwagi sa halalan, nakuha pa rin ng isang talunang former congressman ang kursunadang pwesto sa sa lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.
Sa bisa ng disqualification, uupo na bilang Legazpi City mayor si dating Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., matapos iproklama ng Commission on Elections (Comelec) alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema.
Magugunitang pumangalawa lang sa 2022 mayoralty race si Garbin laban kay Carmen Rosal na tinanggal sa pwesto bunsod ng paglabag sa Omnibus Election Code na mahigpit na nagbabawal sa pamamahagi ng ayuda sa gitna ng kampanya.
Bukod kay Mayor Rosa, tanggal din sa pwesto ang asawang dating Gobernador Noel Rosal.
Sa kabilang panig, tiniyak naman ng mag-awang Rosal na muling dudulog sa Korte Suprema sa bisa ng motion for reconsideration.