PARA kay Senador Grace Poe, malaki ang maitutulong ng traditional media sa kampanya ng pamahalaan laban sa paglaganap ng tinatawag na “fake news.”
Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Poe ang traditional media — tulad ng nakagisnang pahayagan, lalo pa’t higit aniyang tumitindi sa papalapit na halalan ang pagkalat ng maling impormasyon sa social media.
Pag-amin ng senadora, hindi hamak na mabilis ang social media kumpara sa mga pahayagan kung san aniya umiiral ang “ethical practices” at “fat-checking.”
“Print remains essential in the media today because it is seen as a bastion of accountability and responsibility. Print media is trusted and can confidently brand itself as a guardian of truth,” aniya.
Bagamat mas maimpluwensya na ang social media – tulad ng Facebook at TikTok na aniya’y may kakayahang ikondisyon ang isipan ng mga netizens, kumbinsido si Poe na mas mapagkakatiwalaan ang print at broadcast outlets.
“What happens in the digital world affects those in the non-digital arena. Freedom of information and access to accurate and correct information are vital to a democratic state such as ours,” aniya.
Kahit nagsisilbing pamamaraan ang social media platform sa pagkakalat ng nilalaman, tinukoy ni Poe na nakasalalay ang responsibilidad at accuracy ng content creator tulad ng journalists, blogger o ordinaryong mamamayan.
Sa 2023 global study ng research firm na Toluna, lumalabas na 71 porsyento ng respondents ang naniniwala na mas malalim ang pagkakaunawa sa istorya sa pagbabasa ng printed materials.
“Perhaps, print and digital media are complementary, not mutually exclusive. Print media’s virtues of depth, thoroughness, and trust can be married to the speed and wide reach of social media,” aniya.
“Finding the balance and integration of both platforms would be best left to “competent minds,” giit niya. (ESTONG REYES)
