MAS papatok ang Pilipinas sa larangan ng turismo kung abot-kaya ang pagbiyahe at gastusin ng mga turista, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, kasabay ng hirit na ibasura ang umiiral na travel tax sa bansa.
“All Filipinos, especially senior citizens and persons with disabilities, must be able to travel freely, without any form of hindrance. This is a right guaranteed by the Constitution,” pahayag ni Cayetano sa inihaing Senate Bill No. 424
Unang ipinataw ang travel tax sa bisa ng Presidential Decree No. 1183, na nilagdaan halos 50 taon na ang nakaraan. Para kay Cayetano, na akma sa kasalukuyang panahon, gayundin sa realidad ng ekonomiya at rehiyon.
Sa ilalim ng panukala, hindi na rin sisilingin ng travel tax mula sa mga turistang mula sa bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), bilang ng pagtupad sa nilagdaang ASEAN Tourism Agreement noong 2002 sa unti-unting pagkalos sa travel tax sa rehiyon.
Binanggit ng senador ang pag-aaral ng isang local airline, kung saan tinatayang P299 bilyon ang papasok na kita sa pagdami ng turista sa bansa — malayo sa P4 bilyong buwis na kinokolekta ng gobyerno sa bisa ng travel tax.
“By abolishing the travel tax, we inch closer towards realizing the freedom of movement that our fundamental law envisions for every citizen,” pahayag ni Cayetano.
Giit pa niya, nagawa na rin ito noon sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 29 (2023). Epektibo hanggang June 30, 2028, ginawa nitong libre ang travel tax ng mga biyaherong mula sa international airports ng Mindanao at Palawan patungong Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).
Dagdag ng senador, layunin ng panukala na bawasan ang travel expenses ng karaniwang Pilipino, isang adhikaing isinulong na rin aniya ni dating Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III noong 19th Congress.
“It is high time to give travelers a break and allow for tourism to flourish by removing one of the barriers to travel,” pahayag ni Cayetano. (ESTONG REYES)
