Ni ESTONG REYES
DISKUMPYADO ang isang beteranong senador sa tunay na pagkatao ng alkalde ng Bamban, Tarlac kung saan sumentro ang operasyon ng isang POGO Hub na pinaniniwalaang pugad ng mga espiya mula sa bansang China.
Sa pagdinig ng Senado, partikular na tinukoy ni Senador Risa Hontiveros ang aniya’y kaduda-dudang citizenship ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na unang nailat na dawit sa ilegal ng operasyon ng Zun Yuan Technology Incorporated at Hong Sheng Gaming Technology Incorporated.
Pebrero noong nakaraang taon nang salakayin ang Hong Sheng, Marso naman ng kasalukuyang taon nang pasukin ang Zun Yuan na pinaniniwalaang bagong pangalan ng nabulilyasong kumpanya hindi kalayuan sa munisipyo ng naturang bayan.
Unang tinanong ni Hontiveros si Guo hinggil sa kawalan ng impormasyon sa kanyang pinagmulan.
“Figuratively, out of nowhere, you became a mayor of Bamban; some might think it’s a refreshing break in the usual political dynasty, but of course we want to know more about you,” pambungad na patutsada ng senador.
Maging ang pondong ginamit ni Guo sa halalan, sinilip ni Hontiveros – tanong na sinagot ni Guo na nagsabing ambag ng mga kapwa hog raisers ang salaping ginamit sa kampanya sa kandidatura sa posisyon ng alkalde ng Bamban.
Wala rin aniyang anumang rekord sa mga paaralan kung saan nag-aral ang alkalde.
Sagot naman ni Guo, homeschool lamang umano siya mula elementarya hanggang high school, pero hindi na nagtuloy sa kolehiyo.
Lumutang din sa pagdinig na walang anumang hospital record na patunay ng kanyang kapanganakan sa Pilipinas, pero nakakuha ng birth certificate sa bisa ng late registration noong edad 17 na si Guo.
Katwiran naman ng alkalde, sa bahay lang siya ipinanganak ng kanyang ina.
“It catches one’s attention especially because based on our research, there is a similar modus operandi wherein foreigners enter into certain countries. Eventually, they pretend to be locals and then do various tasks — some of which are not desirable,” wika ng senador.
“Guo was catapulted to power in a small town in Tarlac, but does she have the public records that will strongly establish her identity as a Filipino national?” dugtong ni Hontiveros.
“Is it true that Guo may in fact be Chinese? “Totoo kaya na Chinese talaga si Mayor Guo?”
