Ni ESTONG REYES
SA gitna ng napipintong pag-anib ng Liberal Party sa koalisyon ng administrasyon, biglang lumutang si dating Senador Bam Aquino para sabihing nilayasan na niya lapian para pangunahan ang partido ng mga kabataan – ang Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KANP).
Sa isang anunsyo, pormal na inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno ng KANP ang paghirang kay Aquino bilang chairman ng partido bilang bahagi ng paghahanda sa 2025 midterm election.
“Buong pagmamalaki naming hinahayag ang pagtatalaga kay dating Senador Bam Aquino bilang chairman ng partido,” wika ni Diokno.
“Mahalaga ang pagkilos na ito kasabay ng pagpapalakas at pagpapatibay ng aming hanay bilang preparasyon para sa 2025 elections. The party is moving in the right direction with the former senator leading the way,” dagdag pa niya.
Malugod naman tinanggap ni Aquino ang hamon pamunuan ang partido ng kabataan na aniya’y binuo noong 2021 sa hangaring itulak ang kandidatura ng noo’y presidential aspirant na si Leni Robredo.
“It is truly a great honor to lead a party of experienced and dedicated members who share our vision and aspirations for the nation,” sambit ng dating senador.
“As we enter another pivotal chapter in our country’s political history, KANP will present itself as a viable alternative for Filipinos weary of traditional politics and politicians,” dugtong pa niya.
Wala naman sinabing dahilan si Aquino sa paglisan sa Liberal Party.
