Ni LILY REYES PATULOY na inoobserbahan sa pagamutan ang 18-anyos na binatilyong nagtangkang tapusin ang buhay sa pagtalon sa footbridge sa Barangay Old Balara, Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas 8:30 ng gabi nang namataan ang hindi pinangalanang binata na nakatambay sa foodbridge. Ilang saglit pa, tumalon ang biktimang napag-alamang isang out-of-school youth. Bagamat mabilis na isinugod sa ospital, nananatiling agaw-buhay ang pasyenteng ayon sa mga doktor at nagtamo ng mga sugat, pasa at mga nabaling buto sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa QCPD, nakikipag-ugnayan na sa pamilya ang imbestigador sa hangaring matukoy ang dahilan ng tangakang pagpapatiwakal ng binata. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 72-ANYOS NA INA, BUGBOG-SARADO SA ANAK PRESYO NG BABOY SA NCR, SUMIPA SA P420 KADA KILO